Sunday, December 23, 2007
miss this... bakasyon. nothing to do that's why i decided na balikan ang mga entry dito and there's one thing i found out... i am a sad soul. but that was then. i am moving forward. may kelangang iwan at kalimutan. it's for everybody's good. i wish you all well. ~0'0~ Wednesday, June 27, 2007
good and right... "Too often, going after what feels good means letting go of what you know is right. And letting someone in means abandoning the walls that you've spent a lifetime building. Of course, the toughest sacrifice are the ones we don't see coming." ~0'0~ Monday, June 25, 2007
Duwag! Naduwag ako... Hindi ako umattend ng legal forms. ewan ko. hindi naman yun yung first time na papasok ako na di prepared. basta naduwag lang ako. hehehe... Tapos... may mga bagay na sa pananaw ng ibang tao trivial lang, o kaya napakaliit para makakuha ng isang klaseng reaksyon. Minsan maiisip mo, oo nga. Ang babaw. Tapos ulit... naalala ko yung isang class namin. Ang pinagtalunan, which is the more appropriate word na gamitin and o or? Kung iisipin ang babaw no? napakasimple para pagtalunan. pero kung iisipin din, they have different meanings na pag ginamit sa isang sentence, they will give different point. What I mean is we may have different perspective about things. And we must respect that. At para sa isang tao, walang trivial o mababaw pag emosyon na pinag-uusapan. Minsan, nakakapagod din makipagtalo. Minsan, you're just too tired to fight. Lalo na kung hindi nagmemeet mga utak nyo. Ang resulta... Indifference. Ayaw mo na. Wag na lang mag-invest ng kahit anong emosyon o effort para ipakita kung anong punto. Tama si grace, what's the bright side? What's the point? wala. Hindi magandang maging indifferent. Parang nagiging tao kang walang emosyon at reaksyon. Pero ngayon, i'm living in the world of indifference. I don't know what will make me come out. ~0'0~ Saturday, June 23, 2007
No Classes!!! Wala pasok today kasi my lecture yung prof namin somewhere. Kaya... Sa bahay lang ako. Multi-tasking ako e. Nag-aaral. Nagnenet. Nagchachat. Nagttext. Blanko utak ko. wala ako maisip. ~0'0~ Friday, June 22, 2007
Pancit Malabon... "Bili tayo ng isang point five na coke". gets? 1.5 na coke daw! Today, nag-eat kami (me, grace and jp) kina Peps, danggit tsaka corned beef na may kasamang hotdog and potato. Yum! yum! This past few days, I just go home to sleep. After work, its either school or gala with friends. At ang all time favorite is Pancit Malabon resto dun sa my Buendia. Nakakapagod pero masaya. Next week, seryoso na ang buhay. We need to focus especially now that grace is taking her masterals at UP. Tapos si JP, start na din ng class. We miss jen and heiz but anyway, may next time pa naman. Mahirap to. Parati na kong AM. Ang hirap pag may class ako till 10 tapos gising na naman ako around 4am. Like last night, 11pm na kami pinauwi. good thing may kasabay.. naghatid.. whatever the term is. parang kakatulog ko lang kelangan ko na gumising. kaya naman lagi akong tulog sa office e. Kelangan maging busy sa kahit ano. kelangan walang gap. dapat bawat oras busy. dapat di nababakante ang utak. dapat paghiga sa bed tulog agad. dapat di makapag-isip ng kung anu-ano. ~0'0~ Thursday, June 21, 2007
Eternal Sunshine of The spotless Mind i had three hours of sleep. I attended a special class in Civ2, 4:30 to 9:30. At ang daldal ng seatmate ko. sinasabayan nya talaga magsalita ang prof sa mga kwento nya. grrrrr... pero ok lang. he keeps me awake. Suddenly, I had this thought.... it will remain in my thoughts. Naalala ko tuloy yung movie na Eternal Sunshine of The spotless Mind. May mga ganung time. I want all the memories erased. Pero may mga time naman na i wanted to hold on to those memories. May mga time din na may gusto kong maalala pero hindi ko maalala. malabo. yoko na. uwi na ko. ~0'0~ Tuesday, June 19, 2007
Lakad...Lakad...Lakad...Lakad Sarap pala maglakad without a destination in mind. Lakad ng lakad. Wala lang. Just like what we did kanina. Lakad. Kumain ng Chukie icedrop na walang lasa. Lakad pa. Squid balls naman ni manong na may kasamang chika. imagine! he's earning almost P2,000 a day. Nagplano na nga ako na magpagawa ng pink na kariton e. pink na toothpick. pink na kawali. pink na mantika. pink na squid balls. ang galing talaga. Lakad ulit. Pinanuod si manong na kumakain ng pares. rice pala yun tsaka beef soup kaya pares. dalawa. pair ba. kala ko naman pares kasi wala lang. pinanuod sya hanggang maconscious. Lakad na naman. tumambay sa 7-11 habanbg umiinom ng tubig at picture taking. Lakad ulit. siomai naman. Lakad. May nakita silang calamares. Pero ayoko na! Tired. Pero masaya. Sana ganun na lang ang buhay no? nabubuhay ka lang kasi buhay ka. walang iisiping bukas. But that's not how life is. Every step we take should be with a purpose. with a destination/goal. we do this because we have to. di pwedeng nabubuhay lang ng walang pupuntahan. Kaya once in a while... okay din maging carefree. yung bahala na. yung hindi mo alam what will be the outcome ng ginagawa mo and yet you still do it kasi gusto mo. pero wala naman sanang masasaktang ibang tao. ganun lang. THANK YOU! Salamat sa mga chocolates na pasalubong ng mga nagFontana! Parang nag Duty Free na din ako kasi madami din sya. hehehe... At least, naalala nila ako sa kalagitnaan ng kanilang kaligayan. Salamat! ~0'0~ Sunday, June 17, 2007
HELLO... choose your battles. there are just fights not worth your effort. surrender. sometimes it's just so exhausting. give me one reason why i shouldn't feel bad, then i'll let it go. or maybe, just let go. it's hard to pretend that things are ok. then let us stop pretending. i surrender. it doesn't mean i didn't fight. i fought. hard. win. lose. it doesn't matter. ~0'0~
|
|
|
|